Monday, September 14, 2009

ANG AKING MENSAHE...


Mahilig ka ba sa kwentong may romansa ng kapwa Adan?
Ito na ang blog para sa iyo.
Dito dadalhin kita sa makulay na mundo ng romansang pinoy.
Mga lihim na pagnanasa sa kapwa Adan.
At mga kwentong tanging tayong mga ikatlong lahi ang nakakaalam.
Ang mga kwentong inyong matutunhayan sa blog na ay nagpapatunay na masaya at makulay ang ating mundong ginagalawan.
Na kahit minsan at nakakaranas tayo ng kabiguan at pighati.
Ito naman ang nagiging sangkap ng ating pagkatao para tayo ay matutong manindigan para sa ating mga sarili.
Ang mga karanasan ng pang-iiwan ng mga sinasamba nating Adan ang siyang gabay natin upang tayo ay lalong magpumilit makahanap ng tamang ligaya para sa atin.
Ang kwento ko, ang kwento mo at ang kwento ng maraming baklang pinoy ay kwento nating lahat.
Aminin mo man o hindi sa iyong sarili ang lahat ng matutunghayang kwento sa blog na ito ay maaring naranasan mo na o kaya ay iyong pinapangarap na mangyari sa hinaharap.
Kaya samahan ninyo ako sa pagbuo ng maraming kwentong romansa sa makulay na mundo ng kapwa Adan.
Hihintayin ko ang mga piling kwento ninyo upang mailathala sa blog na ito.
Kung kayo ay may comment o suggestion at mga kwentong nais i-share sa aking blog.
Mag-email lang sa leevillaricoreyes@gmail.com ay hihintayin ko ang inyong mga emails.
Sana patuloy kayong bumisita sa aking munting paraiso para may kasama ako sa mga imahinasyon ng aking buhay. Maraning Salamat…

No comments:

Post a Comment